Natakot ang ilang motorista nang muntik na silang abutan ng landslide habang binabaybay ang isang highway sa Arakan, Cotabato nitong Biyernes, May 26. Nangyari ang insidente sanhi ng mga pag-ulan sa lugar, bago pa man pumasok ang Bagyong Betty sa Philippine Area of Responsibility. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.<br /><br />Ayon sa awtoridad, madalas daw talaga mangyari ang landslide sa lugar kaya naman pinag-iingat nila ang mga dumadaan sa nasabing kalsada. <br /><br />Panoorin ang video.